• Masayang Pag-aaral ng Alpabetong Filipino

    Sino ang nagsabing ‘boring’ mag-aral ng ABAKADA? Kitang kita sa mukha ng mga batang ito ang kagalakan habang binubuo ang kanilang puzzle para sa takdang gawain sa araw na iyon.  Ang galak sa mukha ng mga bata ng 1-Pagala ay hindi maipagkaila ng mga kalakip na larawan. Nang sinabi ng kanilang guro na sila ay magkakaroon ng paligsahan sa pagbuo ng puzzle, napuno ng masaya at makabuluhang ingay ang apat na sulok ng silid aralan.

    11725195_10152874079162136_1925959907_o

    Game na game at mukhang hindi patatalo ang bawat grupo. Para sa paksa sa araw na iyon tungkol sa Alpabetong Filipino, binigyan ang bawat pangkat ng mga gupit na larawan na kanilang bubuuin at kapag nabuo na ang larawan kailangan nilang sabihin ang pangalan at kung anong titik nagsisimula ang  nabuong larawan. Paunahang makatapos at makapagbigay ng pangalan ang bawat pangkat para makakuha ng puntos.

    11705969_10152874079207136_1177480511_o

    Ang makakuha ng maraming puntos ay may katumbas na happy face na marka. Habang ginagawa at binubuo ang puzzle, hindi magkamiyaw sa ingay at halakhakan ang bawat sulok ng kuwarto. Pero iyon ata ang klase ng ingay na nagbibigay galak sa puso ng guro, iyong klase ng ingay na alam mong  masaya sila kasabay ng pagkatuto.  Iyong klase ng ingay na may napupulot silang aral.

    11724716_10152874079122136_1540734165_o

    Pinatunayan ng mga pangyayari sa araw na ito na paminsan-minsan makabuluhan rin ang ingay sa loob ng klase, na may masayang paraan para matuto ang mga bata sabihin pa mang simpleng ABAKADA lamang ito. Masayang matuto kasabay ng ingay at tawa ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>