• Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran

    IMGP8039

    Wika nga ng ating pambansang bayani: Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda. Tama si Jose Rizal ng binanggit niya ang mga katagang ito sapagkat hindi maipagkakaila na malaki ang papel na ginagampanan ng wikang pambansa sa pag-unlad ng bayan. Kaya akmang-akma ang tema sa taong ito na “Filipino:Wika ng Pambansang Kaunlaran”.

    Para sa pagdiriwang sa buwang ito, may inihandang iba’t-ibang aktibidad ang mga mag-aaral. Binuksan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang paligsahan sa pag-aawit na pinamagatang “Ang Tinig ng aming Pugad”. Sa paligsahang ito, ipinamalas ng mga bata ang kanilang husay at galing sa pagkanta ng mga awiting Pilipino. Si Quinna Bernadette Gargarita mula sa Grade 1- Pagala at Sabina Gonzales mula sa 4- Loro ang nagpamalas ng kanilang buong husay sa pagkanta at nagtamo ng unang gantimpala sa bawat kategorya sa patimpalak na ito.

    Kung merong magaling sa pag-awit,  may mga bata din na magaling sa pagbabaybay. Noong Ika-17 at 18 ng Agosto idinaos ang paligsahan sa pagbabaybay at tagisan ng talino. Bawat klase ay mayroong representate na kasali sa paligsahang ito. Ipinamalas ng mga bata ang kanilang galing at talino sa pagbabay ng mga Filipinong salita at pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa ating wika at pagka-Filipino sa Tagisan ng Talino.  Ang bawat kalahok ay nakatanggap ng sertipiko ng partisipasyon at ang mga nanalo ay nakatanggap ng karagdagang medalya.

    Para sa kulminasyon ng pagdiriwang sa buwang ito, ang bawat klase ay naghanda ng kanilang itatanghal sa programa ng Buwan ng Lahing Pilipino na ginanap sa Institute of Biology Auditorium, UP Diliman. Hindi magkamayaw ang tuwa at saya hindi lamang ng mga bata at guro ngunit gayundin ang mga magulang na todo bigay ang hiyaw, palakpak at suporta sa kani-kanilang mga anak.  Sulit ang ilang linggong pagpapagod ng mga bata at guro sa pag-eensayo, nang buong husay na nagaw ng mga bata ang kanilang, awit, sayaw at dula. Hindi magkamayaw ang mga tao sa loob ng auditorium sa pagpapalakpak at pagbibigay ng lakas ng loob sa kani-kanilang mga alaga at anak na nagtatanghal sa entablado.

    IMGP7963

    IMGP7920IMGP7726

    Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pagbabalik tanaw sa mayamang kulturang mayroon ang mga Pilipino, hindi lamang pagpapakitang gilas sa angking galing, talino at talento ng mga bata ngunit isang paraan din para sa masayang pakikipagsalamuha ng bawat bata, guro at mga magulang na siyang bumubuo sa masayang pamilya ng Nest.

    IMGP7902

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>